Sunday, June 14, 2009

Mt.Pundaquit, anawangin cove,Trekking adv.






Hi guy's ,fresh from Mt.pundaquit,Brgy Pundaquit ,San Antonio, Zambales. its wow experience ang trekking namin sa Mt.Pundaquit or Mt.anawangin ,sabi kasi ng aming guide na si Ed ang Mt.Pundaquit ay yung kabilang bundok na wala pang mountaineers na umakyat ,pero may trail na daw kaya lang 1/4 lang ang trail so hindi tapos,anyway ang mahalaga naakyat namin ang isa sa kanila going to anawangin cove.at take note ang ganda ng trail kumpleto ilang ilog ang tinawid namin ,hindi sya maputik dahil rocky ang mountain,at nakisama din ang panahon sa amin hindi maiinit ang akyat namin although medyo mabagal ang trekking namin dahil syempre ,picture dito ,picture doon,ang ganda naman kasi ng view parang hindi pilipinas.at mabait din yung guide namin na si ed ,talagang inasikaso nya kami hangang pauwi na kami sulit ang bayad namin sa guide namin.marami din syang kwento tungkol sa bundok ,yung three ninja kids namin matatag ,sabi nga ng mga nakakasalubobg namin na nangangahoy baka hindi daw kayanin ng mga bata,sabi ko naman train to ignore pain in all weather condition ang three ninja kids namin,kaya walang magiging problema, pangatlong bundok na namin ,nangangati na nga ang paa ko ulit can't wait sa next climb namin,ganon daw talaga yun hindi mo na mahintay yung susunod,kung pwede nga every week,kaya lang syempre kailangan ng budget,medyo magastos din he he he.sa anawangin cove naman doon kami nag campsite ,(ligaya ba ang hanap mo) si aling ligaya ang care taker ng beach site na tinuluyan namin,mabait din si aling ligaya,kung ano ang kailangan mo just tell her. ang mabigat na yung pauwi na kami ,meron kasi kaming kasama na mga dating serena yung aking first lady at si janet,mga dating serena kasi sila mga itinakwil sa kaharian ng serena
so kailangan naming mag bangka pabalik sa brgy.pundaquit kung mag trekking kasi uli kami medyo mahirap pero KAYA PA, syempre pagod na din,yung dalawang serena na kasama namin ayaw sumakay sa bangka ,baka mahuli daw sila ng mga kasamahan nilang syokoy,kaya lang no choice sila so kahit na ayaw nila mag boating ,join pa din sila,eto na yung dagat galit na galit parang gustong itaob yung mga boat namin,tili dito hiyaw doon,dasal dito,yung dalawang serena namin,eh dahil malakas kami kay BRO nakarating kami ng payapa sa aming destinasyon,kaya ang susunod namin aakyatin ay ang.........Mt.Arayat.

6 comments:

  1. mga pare@mare gus2 ko sana pagawa ng sticker para sa mga sasakyan ntin http://kayapamountaineers.blogspot.com/kung ok lang sa inyo.eric

    ReplyDelete
  2. Agree ako dyan pare!

    ReplyDelete
  3. ok sa akin yan pre.magandang Idea yan.now na

    ReplyDelete
  4. Mga sir at ma'am,

    I commend your recent expedition sa Anawangin. COngrats sa KAYA PA Mountaineers. May you climb more mountains, explore more forests, cross more rivers and swim more seas in the future to come! Anyway, nagreresearch kasi ako kasi my group is also planning to go there in August.. Since last June lang kau pumunta, ideal na magtanong sa inyo for the most recent updates sa Anawangi. Pls. drop me a line on my YM. It's mrvn.alcantara@yahoo.com.ph. I'll very much appreciate ur assistance. Thanks a lot.

    Marvin
    Juxtapoz Mountaineers
    www.juxtapoz.synthasite.com -> You cud also visit our site. Apir. Peace. More Power. Live Green!

    ReplyDelete
  5. Hi marvin ,di ako makapagsend sa YM mo .here's my YM boyetnueve@yahoo.com. i'm willing to give you more info about Mt.pundaquit/anawangin cove,
    thanks for dropping by.

    ReplyDelete