Tuesday, June 9, 2009
hey.... its my turn... sabi ng dalawa kong anak.. papa bakit tayo aakyat ng bundok, ano ba meron dun??? mag swimming nalang tayo! sabi nila.. oo nga naman bkit ka pa mag hihirap umakyat ng bundok kung wala naman dagat dun sa tuktok!!! sbi ko lang basta sumama kayo dahil pag dating sa summit merong kayong PREMYO!!, mas maganda pa sa beach, SABI KO! so sama sila nung nag climb kmi sa mt. daguldul sa san juan batangas. first climb ng mga kids kaya nag aalala ako ksi bka di nila kayanin ang pagod. si david ksi is 13 yrs. old and diego is 11 yrs.old, so kumuha kami ng porter, thanks GOD meron hayyy. ang bait talaga NYA! ksi pati kabayo meron. hehehe. malaking bawas sa bigat sa likod ko. yung sarili ko ksi talaga inaalala ko bka di ko kayanin nakakahiya..... huhhhh jump off na!! hayyy parang gusto ko ng maiwan... eh yung mga anak ko pati misis ko kya. KAYAPA? tanong ko? oo daw sagot nila. tsk tsk tsk. wala na talagang urungan. so PRAY na lahat with pastor louie .hehehe syempre PRAY TAYO para sa sarili... AKYAT na! syempre una kabayo... di ko akalain na kaya palang sabayan ng mga bata yung hayop na yun!!! samantalang kami, lalo nako hingal kabayo na!!! nakakahiya pag sumigaw yung mga kids., si franz gwaping na anak ni pareng boyet at abeng, david at diego ng alak pa! KAYAPA! may isang kids pa pala si jericho. buti nalang kasama si jericho may dahilan para mag pahinga ko. 9 yrs old sya so madaling napapagod. spoiled ksi sa daddy eric at momi joy. hehehe.. anyway nakarating naman sa peak. actually nauna mga kids makarating sa peak so diko nakita reaction nila sa nakita nilang view. diko alam kung nakuha nila yung premyo na sinasabi ko. basta maganda daw. ang sarap ng bonding sa pamilya at kaibigan sa hirap at ginhawa. palibhasa first time, hindi prepare, so pati sa pag tulog, ang hirap! ksi inulan pati sa loob ng tent umuulan..... bukang liwayway! yun na! kahit puyat! kahit pagod! masasabi mo talaga na GOD IS SO WONDERFUL! napaka ganda ng view. bed of clouds, mataas kapa sa ulap.. basta napaka ganda... alam na ng mga anak ko kung ano naging premyo nila... kahit diko na ipaliwanag sana pagdating ng araw mai apply nila sa buhay nila yun.. yung hirap at ganda ng buhay.. thanks. dennis.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment